Noong ako ay Grade 1

Noong ako ay Grade 1, doon ko unang naipamalas sa marami ang aking talino. Yun rin ang panahon na naipaalam ko sa marami ang galing ko sa math, kaya nakakuha ako ng award na “Best in Math.” Nung ako ay Grade 1, doon ko rin nalaman ang isa sa mga purpose ng education. At yun rin ang unang beses na ako ay nagkacrush, at sa isang grade 5 pa na babae lolz xD.

Noong ako ay Grade 2, nalaman ko ang importansiya ng pagkakaibigan. Doon ko rin naging “close” si Elisha na makikilala niyo sa previous entry ko. At naging “close” ko rin nun si Patrick. Nalaman ko rin nun na may angking galing ako sa paglalaro ng baraha(palagi akong nananalo eh XD). Dun rin ako natuto ng mga green jokes, kahit wala akong alam kung ano ung mga pinagsasabi ko(inosente ako haha), at buti nalang naagapan ko agad un bago ako napoison hehe.

Nung ako ay Grade 3, nailipat ako sa ibang paaralan, isang pampublikong paaralan. Ako ay kumuha ng entrance exam, at sa lahat ng kumuha, ako ay ang nakakuha ng pinakamalaking score(top 1 sa lahat lolz). Pero, dahil napamahal na ako sa Carmen Christian School(dito ako nag-aral since prep hanggang ngaun), binalik ako dun after 1 day. Yun rin una akong nakaranas na makakuha ng perfect score sa lahat ng subjects sa isang periodical exam. At yun rin una kong napamalas ang talento ko sa mga musical instruments, at pati narin sa pag-arte. At doon rin ako nasali sa handworks/handmime ng school namin. At naipakita ko rin nun ang galing ko sa science, kaya nakakuha ako ng award na “Best in Science.”

Noong ako ay Grade 4, yun ay isa sa pinaka”best” ko na taon sa school. Yun ang unang beses na na-expose ang talento ko sa paghost(ang kapal xD). Yun rin ang unang beses na ako ay na”inlove” at siyempre sa isang babae haha. Hindi pa nga ako nanliligaw, ay binasted na agad ako(kawawa xD). Alam niyo na sa school namin maraming chismoso at mga chismosa haha. Yun rin ang taon na mas naging “close” kami ng mga kaklase ko. At yun rin ang huling pagkakataon na nakakuha ako ng academic award nung ako ay elementarya, which is ung “Best in English.” Yun ang taon na natuto na akong maging masikreto at hindi ko na pinapaalam sa marami kung ano ang gusto ko.  Yun rin ang taon na kami ay huling nagtrip to Jerusalem noong ako ay elementarya. Doon rin namin naipakita na rain or shine, umulan o umaraw, araw o gabi, kami ay handang magperform. Umuulan kasi nun nung nagperform kami ng handmime sa trip ko jerusalem namin, at hindi pa developed ang school namin, kaya ayun, kahit umuulan, nagperform parin kami, pwinersa namin ang guro namin na paperformin kami haha xD. At dito ko rin unang naipamalas ang talento ko sa pagsayaw(kapal noh? haha).

Noong ako ay Grade 5, medyo naging hindi mabuti ang taon na yun sakin. Yun ang time na nasa kamay ako ng kaklase ko(isusumbong daw ako pag di ako sumunod sa sasabihin niya amp>_<). Yun rin ang taon na dumating ang isang manyak naming kaklase, na naging bad influence sa mga kaklase ko. Yun rina ng taon na pinakilala samin kung ano ang “sex,” at dun rin nasimulang maging curious ang mga kaklase ko tungkol dun(excluded ako haha). Ako, nung panahon na yun, ay nagsimula nang magpalayo sa iba kong mga kaklase para hindi ako ma-influence ng kamanyakan nila. Doon ko rin natutunan na tumawa(palibhasa, minsan lang ako tumatawa nung di pa ako naging grade 5 XD), at maging malakas. Nakasira rin ako nun ng flute ng kaklase ko, kaya patago akong nag-iipon para mabayaran ko ung flute na un na ang cost ay 300 pesos, at sa kabutihang palad, ang pinabayad niya sakin ay 150 lang xD.

Nung ako ay Grade 6, naging mapait na taon ito saakin. Una, ilinipat ako sa isang paaralan ng mga madre, at nahiwalay ako sa aking orihinal na pinag-aralan. Sa paaralan na iyon, ako ay naging iyakin, at ako ay inaapi ng lahat. Minsan lang mabait saakin ang mga tao dun, at minsan lang rin kami magkabati. Palagi akong umiiyak(obvious ba na iyakina ko? Haha), at palagi akong inaapi. At marami ring kumukontra sakin dun @_@. January 2006, nagpractice na kami nun para sa gabi ng aming school. Isang sabado, may nakabangga ako na isang mag-aaral sa ikatlong baitang. Yung mag-aaral na yun ay walang kinakatakutan, at handa ung pumatay ng tao, kaya ako ay natakot. Dahil sa pangyayari na iyun, ako ay binalik sa paaralan ko noon(ang Carmen Christian School). At Exactly January 31, 2006, yun na ang huling araw ko sa paaralan na iyon. Yung taon na yun, hindi man ako nakatanggap ng medalya, pero hanggang ako ay “safe,” ok lang yun. Mas mabuti nalang yun, kesa naman mamatay ako para lang makakuha ng medalya haha. Yun rin ang taon ng ang kapatid kong babae ay natakot sa kanyang guro na madre. Pinalo ba naman siya ng stick kasi matagal siya sa CR sapagkat hinuhugasan niya ang kamay niya dahil may tinta ng ink galing sa finger-print-art nila. Pero nung ilinipat siya sa Carmen Christian School, naging masaya na siya, at marami siyang natutunan haha xD.

Sa lahat ng nangyari sakin nung ako ay elementarya palang, hindi ako iniwan ng aking mga magulang at ng administrator ng Carmen Christian School. Nagpapasalamat ako sa kanya(school admin) dahil palagi niya akong liniligtas sa kapahamakan, at hindi niya kami kinalimutan(ako at ng aking pamilya). Dun ko rin nalaman na lumaban para hindi ako apihin, at huwag matakot sapagkat magiging safe ako. ^^

Leave a comment