Ang Pagkawala – Part I

February 28, 2009: Ang araw na hindi umuwi ang ate ko or ang maid namin. Siya ay galing sa tree-planting then pumunta sa paaralan nila kasi may pasok pa siya na dapat magtapos at exactly 7:00 PM. At 9:30 PM, ako, at ang mom ko ay nasa bus, at nagtext siya sa dad ko. “Nandiyan na ba si Collen?” tanong ng nanay ko. Ang dad ko naman ay nagreply sa text, “Wala pa eh”. Nag-alala ang nanay ko pagkat  9:30 na wala parin siya. Nag-alalala, at nag-alala ang nanay ko. At nag-alala at nag-alala parin ang nanay ko. Pagkatapos ay nagtext siya sa kapitbahay namin, “Tet, pwede mo po bang matignan sa bahay namin kung nandun na si Collen? Salamat”. At naghintay ang nanay ko sa reply niya. At nasa bus parin kami, at naghintay siya sa reply ng kapitbaahay namin. At ang paghihintay ay nasundan pa ng paghihinta, at natapos, at natanggap ng nanay ko ang message. “Wala si Collen dito, tinignan narin namin ang likod ng bahay niyo pero wala parin.” Ang nanay ko ay nag-alala. “Wala si Collen sa bahay”, text ng mom ko sa dad ko. Ako at ang mom ay ko ay nasa shop, habang ang kapatid at ang tatay ko ay nasa shop namin. “Queenie, umuwi ka na, isasara ko na ang shop,” ang sinabi ng tatay ko sa in-charge sa shop namin. Sinara lang ng dad ko ang labas, pero nandun parin sila at ng kapatid ko sa loob. At naghintay sila saamin, at kay ate Collen. At naghintay. At naghintay parin. Akala nila wala nang katapusan ang paghihintay. Ayun! naghintay parin. At sawakas, naghintay parin. Dumaan ang ilang oras, at tentenenenenen! Nauwi narin kami. “Dumating na po ba si Ate Collen?” sabi ko. “Hindi pa eh” sabi ng dad ko. At ako ay pumasok sa loob at nag-upload ng pictures. “Nasaan na kaya si Collen?!” sabi ng nanay ko. “Ewan ko ba dun, san na kaya napadpad yun.” Reply naman ng tatay ko. At tumawag ang nanay ko sa guidance councilor. “Ay Alma, sorry sa disturbo ha, pero nakita mo ba kung sino ang huling kasama ni Collen?” sabi ng nanay ko. “Hindi eh, wait ha tatawagin ko yung pamangkin ko”. reply naman ng guidance councilor ng paaralan na tinutuluyan ni ate Collen, at dun rin nagtratrabaho nanay ko xD. Anyway, patuloy tayo haha. “Nakita mo ba si Collen?” sabi ng nanay ko. “Hindi eh, pero baka kasama yun ng mga barkada niya.” reply nung lalake. “Ay sige, salamat nalang” sabi ng nanay ko. “Tutulungan ko po kayo sa paghahanap” reply nung lalake. “Sige maraming salamat ha.” reply naman ng nanay ko. At pagkatapos nun ay umuwi na kami. Sa bahay, hindi parin namin nakita si Ate Collen. Nasaan na kaya siya?

Itutuloy…

Leave a comment